Kilalanin si Remy Martin
Muling ramdam ang collegiate basketball spirit.
Sabay humataw ang pagsisimula ng UAAP at NCAA noong Sabado, at excited ang mga kabataang hoop fans kahit na limitado sila sa panonood sa TV.
Malaking karagdagang excitement sa lahat ang pagtatapos ng US NCAA basketball o ang March Madness.
Nakikiliti ang mga Pinoy fans lalo na’t ang Final Four, eh may rekadong Fil-Am hotshot sa katauhan ni Remy Martin ng Kansas Jayhawks.
Haharapin ni Martin at ng Jayhawks ang Villanova Wildcats.
Maglalaban naman sa kabilang side ang Duke at North Carolina.
Pero siguradong mas tututok ang mga Pinoy fans sa Kansas-Villanova match, at susuporta sa Fil-Am ace na hindi basta lang may dugong Pinoy, kung hindi isinilang sa Pinas ng kanyang Kapampangang ina na si Mary Ann Macaspac.
Dati siyang basketball/football stalwart ng Arizona State na hinirang na Pac-12 Sixth Man of the Year noong kanyang rookie season at napasama sa All-Pac-12 first team noong 2019.
Pagkatapos eh, nagdeklara siya ng pagsali sa NBA 2020 Draft, pero nag-withdraw.
Matapos mapanatili ang collegiate eligibility, eh tumalon sa Kansas Jayhawks.
At ngayon nga, eh sasabak sila sa Final Four.
Naispatan na siya ng Gilas Pilipinas, at makailang beses na ring nabanggit ang kanyang pangalan sa usapin ukol sa national team program. Ang kuwestiyon, eh ang kanyang eligibility under FIBA rules.
- Latest