Pinoy imports minalas sa B.League

MANILA, Philippines — Si Javi Gomez de Liaño at ang Ibaraki Robots lang ang lumusot sa siksik na Japan B. League schedule kagabi matapos yumukod ang iba pang Filipino imports.

Siyam na minuto ang sinalangan ni De Liaño para sa dalawang puntos, isang assist at isang  steal pero wagi pa rin ang Robots sa Hokkaido, 94-82.

Ito na ang ika-limang sunod na panalo ng Ibaraki para sa 12-28 kartada sa ika-18 puwesto ng 22-team B. League.

Taob naman ang Shiga Lakestars, hindi naka­sama ang suspendidong si Kiefer Ravena, sa Osaka, 78-84, para sa ika-10 sunod na kabiguan tungo sa 10-27 baraha.

Talo rin sina Dwight Ramos ng Toyama Grou­ses, Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins, Kobe Paras ng Niigata Albirex BB at Kemark Cariño ng Aomori Wat’s.

Nagkasya sa pitong markers si Ramos sa 78-71 pagkatalo ng Toyama sa Shinshu upang maglag­lag sa 16-27 habang nali­mitahan sa pitong puntos si Parks sa 87-93 kabiguan ng Nagoya na nahulog sa 24-11.

Nangitlog si Paras sa 62-77 pagyukod ng Nii­gata sa Shimane upang matengga sa 5-36 marka at sa B. League Division II ay natamo ng Aomori ni Cariño ang ika-25 sunod na talo sa Sendai, 76-101, sa kabila ng kanyang anim na markers.

Show comments