Harris kasama sa Gilas roster

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa si teen sensation Caelum Harris upang sumama sa mahabang preparas­yon ng Gilas Pilipinas si­mula sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

Bago sumalang sa en­sayo ka­sa­ma ang Natio­nals ay na­nood muna si Harris sa knockout playoff games ng PBA Governors’ Cup kamakalawa sa Smart Araneta Coliseum.

Ang 16-anyos na si Harris ang pinakabagong recruit ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) noong nakaraang buwan upang magsilbing isa sa pundasyon ng Gilas.

Tubong Nashville, Tennessee ang 6-foot-7 na si Harris subalit taga-Cebu ang angkan at ina­asahang babandera sa Gilas kasama si Lebron Lopez.

May Philippine passport na si Harris kaya eli­gi­ble na maglaro para sa Nationals.

 

Show comments