^

PM Sports

Aquino salimpusa sa panalo ng Japan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limitadong aksyon lang ang nasalangan subalit nakatulong pa rin si Matthew Aquino sa 76-71 pa­nalo ng Japan kontra Chinese Taipei sa Group B ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Okinawa.

Nagtala ng 2 points at 1 rebound si Aquino sa tatlong minutong aksyon para sa kanyang matagumpay na national team debut para sa Japan.

Napasama sa final 12 ng Japanese team ang anak ni Philippine basketball legend Marlou Aquino dahil sa kanilang Japanese heritage.

Sa katunayan ay naglalaro din si Aquino sa Japan B. League bilang local player at hindi import tulad ng ibang Pinoy para sa Shinshu Brave Warriors.

Dahil sa tulong ni Aquino ay umangat sa 1-2 ang kartada ng Japan sa Group B matapos matalo ng dalawang beses sa China (2-0) sa first window noong Nobyembre.

Babalik sa aksyon ang Japan ngayong araw kontra sa powerhouse na Australia (1-0) na kakaharapin din ang Chinese Taipei (0-2) bukas.

 

vuukle comment

FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with