Hindi nakuha ang kanilang pambatong resident import na si Allen Durham pero hindi nagdalamhati ang Meralco Bolts.
Bakit nga naman eh kasing kisig, kasing efficient at kasing effective na import ang nakuha nila sa katauhan ni Tony Bishop.
Nananatiling steady ang Meralco Bolts bilang Governors’ Cup contender – tabla na ngayon sa Magnolia Hotshots sa itaas ng team standings, tangan ang magkaparehong 4-0 kartada.
Ayon coach Norman Black, galing ang lahat sa consistent effort na nakatayo sa solidong pundasyong dala ni Bishop.
“The fact that he shows up every game gives us a foundation that we can build on and try to win as much as possible,” ani Black matapos ang kanilang 101-95 panalo kontra Governors’ Cup archrival Barangay Ginebra noong nakaraang gabi.
Nauna rito, binugbog ng Meralco ang Blackwater (98-77), inungusan ang TNT Tropang Giga (83-80) at pinataob ang NLEX (110-100).
At gaya ni Durham, magaling pero walang ere si Bishop.
“We’re together. We’re playing hard on both ends of the floor, and that’s what you do to win games,” ani Bishop sa pagsaludo rin sa mga effort ng kanyang local teammates.
“We stay together. We fight adversity together. We fight hard together for every possession,” dagdag pa ni Bishop.
Kung masusustina ang kanilang ginagawa, may tsansang makarating ang Meralco sa ikaapat na finals sa huling limang Governors’ Cup.