Student-Athlete scholarship ni Bong Go
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senator at Senate Committee on Sports chairman Christopher “Bong” Go ang mga aspiring student-athletes na sumali sa ikalawang taunang scholarship competition na gaganapin ng National Academy of Sports.
Ang NAS Annual Search for Competent, Exceptional, Notable, and Talented Student-Athlete Scholars (NASCENT SAS) ay nilikha upang mag-alok ng mga iskolarsip sa mga talentadong kabataang Pilipinong atleta.
Saklaw ng scholarship ang tuition para sa anim na taong pag-aaral.
Ang mga matagumpay na aplikante ay makatatanggap din ng buwanang stipend, libreng board at lodging sa NAS Dormitory at access sa specialized sports training sa world-class na pasilidad sa NAS Campus sa New Clark City sa Capas, Tarlac, na kasalukuyang ginagawa at matatapos sa kalagitnaan ng taong ito.
“Isang karangalan na tumulong sa pagbibigay ng mga pagkakataong ito para sa mga mag-aaral na nagnanais na makamit ang higit pa sa kanilang buhay at tumulong na gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng wastong edukasyon at pagpapaunlad ng palakasan. Noong unang buwan ko bilang senador, pinangarap kong makapagtatag ng isang institusyong pang-edukasyon na dalubhasa sa pagpapaunlad ng palakasan,” ani Go.
Sa ngayon, ang NASCENT SAS ay nakapagbigay na ng 64 student-athlete scholarship.
- Latest