Pagpupugay kay Chairman Butch

Umiinit ang baliktaktakan sa pulitika dahil papalapit na nang papalapit ang halalan.

Habang lumalapit ang halalan, lumalapit na rin ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang malungkot para sa sports circle, kasabay sa pagtatapos ng Duterte presidency eh ang katapusan din ng pamumuno ni Chairman Butch Ramirez sa Philippine Sports Commission.

Hindi maiiwasan ito – puwera na lang kung nanaisin ng bagong pangulo na panatilihin si Chairman Butch sa puwesto.

Magiging malungkot sa marami ang pagbaba sa puwesto ni Chairman Butch dahil iiwan na niya ang maayos, maganda at matatag na pamumuno sa PSC.

Sa muli niyang pag-hawak ng PSC chairmanship, walang alingasngas na narinig.

Suwabe ang relasyon ng PSC sa Philippine Olympic Committee, sa mga national sports associations at sa mga atleta.

Maayos ang mga policies na siguradong nakatulong sa mga tagumpay na nasungkit ng mga national athletes.

Isa rito ang overall championship sa 2019 Southeast Asian Games na si Chairman Butch ang nag-serve na chef de mission.

At siyempre, nariyan ang kanilang kontribusyon sa breakthrough performance ng Team Philippines sa Tokyo Olympics.

Saludo ako sa iyo, Chairman Butch.

 

Show comments