^

PM Sports

Magsayo inagaw ang WBC title kay Russell

Chris Co - Pang-masa
Magsayo inagaw ang WBC title kay Russell

MANILA, Philippines — Mission accomplished si Mark Magsayo matapos agawin ang World Boxing Council (WBC) featherweight crown kay Gary Russell Jr. via majority decision win kahapon sa Borgata Atlantic City sa New Jersey.

Maagang naglunsad ng kaliwa’t kanang kumbinasyon si Magsayo upang mainit na simulan ang bakbakan.

Naikonekta ng Pinoy pug ang ilang solidong suntok na yumanig kay Russell partikular na sa fourth round kung saan isang injury sa kanang balikat ang nagpabagal sa American fighter.

Dahil sa injury, nalimitahan ang kilos ni Russell sa mga nalalabing rounds na sinamantala ni Magsayo.

“It was a little bit of advantage for me because he was only using a hand and it was an opportunity for me to follow him. He couldn’t jab me, he was only using one hand, that’s why I hurt him a lot,” ani Magsayo.

Dominado ni Magsayo ang laban base sa inilabas ng CompuBox kung saan kumunekta ito ng 150 sa 543 suntok na pinakawalan nito, malayo sa 69-of-323 na itinala ni Russell.

Sa huli, nakuha ni Magsayo ang boto ng mga judges na sina Mark Consentino at Henry Grant na may parehong 115-113 iskor para sa Pinoy boxer.

Nakita naman ng ikatlong huradong si Lynne Carter ang laban bilang draw, 114-114.

Lubos ang kasiyahan ni Magsayo na hindi pa rin  makapaniwala na natupad na ang kanyang pangarap na maging world champion.

“My dream came true. This is my dream since I was a child. I’m so proud I’m a champion now,” ani Magsayo.

Dahil sa panalo, nananatiling malinis ang rekord ni Magsayo sa 24-0.

MARK MAGSAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->