High Speed Hitters humugot pa

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang PLDT Home Fibr sa recruitment matapos kunin ang dalawang key pla­yers ng Perlas Spikers para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Pasok na sa lineup ng High Speed Hitters sina Heather Guinoo at Jules Samonte para makatulong sa attack line ng tropa.

Nagdesisyon sina Guinoo at Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magsumite ang Perlas Spikers ng leave of absence sa liga.

Makakasama nina Guinoo at Samonte sa kampanya sina Rhea Dima­culangan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray na mga tanging holdovers ng High Speed Hitters

Nasa lineup din ang bagong recruits na sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Dell Palomata, Jovie Prado, Wendy Semana, Fiola Ceballos at Lhara Clavano.

Sabik na sina Guinoo at Samonte sa bagong pamilyang sasamahan nito sa High Speed Hitters.

“I’m really grateful kasi biglaan lang din na-disband yung Perlas. Akala ko, I was going to be with them for another year pa. It was unfortunate na na-disband yung Perlas but just grateful to have found a home in PLDT,” ani Samonte.

Bagong environment ito para kay Samonte na kadalasang mga Ateneo Lady Eagles ang mga kasama sa kanyang mga dating teams.

“It’s kind of exciting and nerve-wracking because lalabas na naman ako sa comfort zone ko and this time, wala na talaga akong ate na nakasama ko before,” dagdag ni Samonte.

Mamanduhan ang tropa ni head coach George Pascua.

Show comments