Nagbunga ang hirap at pagod ng PSC at national athletes

MANILA, Philippines — Patuloy na naging mapang-hamon ang coronavirus disease sa taong 2021 sa buong sports community ngunit sa kabila nito ay maraming naging bunga ang pagsuong ng mga atleta, opisyal at mga taong tumutulong sa ating mga panlaban sa malalaking international competitions.

Mahirap man ang sitwasyon, may isang Hidilyn Diaz na nanalo ng Olympics gold sa weightlifting, may isang gymnast na Carlos Yulo na muling nanalo ng gold sa world championships at may maipagmamalaki na ta-yong babaeng pro golfer na nanalo sa prestihiyosong US Open at pole valter Ernest John Obiena na nagtala ng  bagong Asian Athletics Championships record.

Hindi makakamit ang lahat ng panalong ito kung  hindi dahil sa pagsuporta ng Philippine Sports Commision na matiyagang sinusubaybayan ang mga atleta na naging masipag at determinado sa gitna ng pandemya.

Matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bubble-type training ng mga Tokyo Olympics qualifiers at aspirants noong Disyembre ng 2020 ay ipinasok ng PSC ang mga national athletes ng boxing, karate at taekwondo sa training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna noong Enero ng 2021.

Kabilang sa mga ito sina Olympic silver me-dalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing.

Patuloy namang sinuportahan ng PSC ang pagsasanay ni Olympic gold medal winner Hidilyn Diaz ng weightlifting sa Malaysia, habang nasa Italy at Japan sina Obiena at Yulo, ayon sa pagkakasunod.

Noong Marso ay inireklamo nina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial, hindi nakasama sa ‘Calambubble’, at Olympic campaigner Irish Magno ang kakulangan ng suporta ng PSC at ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP).

Naplantsa naman kaagad ng PSC at ABAP ang nasabing gusot na dahil lamang sa naantalang paglalabas ng monthly allowance.

Noong Abril ay nagpatupad ang PSC ng 10-day lockdown sa kanilang mga administrative offices sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City at sa Philsports Complex sa Pasig City matapos magpositibo sa COVID-19 ang 63 nilang empleyado.

Dahil dito ay nagkaroon ang sports agency ng work-from-home arrangement sa kanilang mga kawani.

Ipinadala ng PSC ang mga atletang nagha-hangad na makasali sa Olympics, sa mga qualifying tournament para mabuo ang 19 lahok ng Pinas sa Tokyo Olympics na sina Diaz, silver medalists Nesthy Petecio, Carlo Paalam, bronze medalist Eumir Felix Marcial at  Magno ng boxing, ang kontrobersiyal ngayong si Obiena, Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, trackster Kristina Knott, skateboarder Margielyn Didal, judoka Kiyomi Watanabe, rower Cris Nievarez, shooter Jayson Valdez, weightlifter Elreen Ando, swimmers Luke Gebbie at Remedy Rule at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan.

Noong Setyembre ay pinayagan na rin ng IATF ang bubble training ng mga national teams kagaya ng fencing sa Ormoc City, rowing sa La Mesa Dam, archery sa Dumaguete City, canoe/kayak sa Tacloban, boxing, karate at athletics sa Baguio City.

Ito ay bilang preparasyon para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng 2022.

Itinakda ng Vietnam ang pagho-host ng SEA Games sa Mayo 12-23, 2022 mula sa orihinal na petsang Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2, 2021 dahil sa pandemya.

Nagkaroon naman ng sigalot sina Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico noong Nobyembre dahil umano sa isinumiteng palsipikadong liquidation report ng pole vaulter.

Ipinasosoli ni Juico ang 85,000 euros (halos P4.8 milyon) kay Obiena na siyang coaching salary ni Ukrainian coach Vitaly Petrov simula noong 2018 hanggang 2021.

Mariin itong pinabulaanan ni Obiena kasama mismo ang 83-anyos na si

 Inalok ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang kanyang sarili na maging mediator nina Obiena at Juico para maresolbahan ang isyu.

Sa Enero 10 ay kumpiyansa ang sports agency  na muli nilang mabubuksan ang mga training facilities sa RMSC at Philsports para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.

Naniniwala rin si Ramirez na maisasagawa na nila ang mga natenggang programa ng PSC kagaya ng Batang Pinoy, Philippine National Games, Palarong Pambansa at Indigenous Peoples Games.

Show comments