MANILA, Philippines — Itinalaga ng USA Basketball — ang national basketball association ng Amerika — si Filipino-American coach Erik Spoelstra bilang isa sa mga assistant coaches ng US men’s basketball team na sasabak sa malalaking international tournaments.
Kabilang sa mga lalahukan ng US men’s basketball team ang prestihiyosong 2024 Olympic Games na gaganapin sa Paris, France.
Kasama si Spoelstra sa tatlong assistant coaches ng team na kinabibila-ngan nina Gonzaga coach Mark Few at Phoenix Suns coach Monty Williams base sa anunsiyo USA Basketball.
Pinangalanan namang head coach si Golden State Warriors coach Steve Kerr kung saan papalitan nito si dating head coach Gregg Popovich.
Magandang pagkakataon din ito para kay Spoelstra na makabalik sa Pilipinas dahil makakasama rin ito ng US basketball team sa pagsabak sa prestihiyosong FIBA World Cup na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia sa 2023.
Masaya si Kerr na makasama si Spoelstra sa coaching staff dahil sa husay nito sa paggabay sa kanyang mga players sa Miami Heat.
Hanga rin si Kerr sa dedikasyon ni Spoelstra kaya’t malaki ang maitutulong ng Fil-Am mentor sa kanilang koponan.