MANILA, Philippines — Nasa larawan ang GlobalPort-Philippine polo squad ang kanilang team na kampeon sa nakaraang Miguel Lorenzo Romero Cup na ginanap sa Miguel Lorenzo Romero field sa Calatagan, Batangas matapos talunin ang Argentina, 10-9 kung saan nagsanib-puwersa sina Deputy Speaker Mikee Romero (1Pacman Partylist) at veteran Anthony Garcia para sa panalo. “It was unbelievable beating the Argentineans. We made a good start because of the team’s chemistry,” ani Romero na humataw ng mahalagang goal para sa GlobalPort at dumiskaril sa pagbangon ng Argentinean squad.