Walang talo, lahat panalo sa Pang-Masa

MANILA, Philippines — Labing-walong taon na ang PM (Pang-Masa) na patuloy ang paglilingkod sa masang Pilipino kahit pa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Bagama’t napakara-ming hamon na ibinabato ng coronavirus, ‘di mapi-pigilan sa paghahatid ng balita ang Pang-Masa.

Bawat pahina ng PM ay panalo sa masa.

Sa front page pa lang, may pasilip na ng mga maiinit na balita sa PoliceMetro section, Punto Mo, Pang-Movies, Para Malibang at PM Sports.

Dito rin makikita ang resulta ng lotto ng nagdaang gabi.

Susunod na pahina ang Police-Metro kung saan malalaman ang mga maiinit na balita at kaganapan.

Sa Punto Mo section, mababasa ang mga editorial ng maiinit na isyu at marami ring matututunan sa Responde ni Gus Abelgas, Dipuga ni Non Alquitran, Pandayan ni Ramon Bernardo, Dear Attorney ni Atty. Aeron Aldrich B. Halos at Diklap ni Annabelle Buenviaje,

Masusubaybayan din ang kuwentong serye n ng Editor na si Ronnie Halos; maraming malalamang trivia sa Ngayong Araw Na Ito ni Fernan Castro at dito rin mababasa ang Mga Pangyayaring Kagila-gilalas na kuwento ni Arnel Medina.

Panalo rin ang mga chikang mababasa sa Pang-Movies kung saan masusubaybayan ang maiinit na showbiz balita ni Lolit Solis sa Star Talk, TidBits Snippets ect. ng Editor na si Salve Asis, Rated A ni Aster Amoyo, #Intriga Pa More ni Jun Nardo, Isyu at Banat ni Ed de Leon, Some Like It Hot ni Vinia Vivar, About Showbiz ni Nitz Mirales, So, Chismis Ito!? ni Ruel Mendoza, Showbiz Updates ni Nora Calderon, at YSTAR ni Baby E.

Siguradong maaaliw sa Para Malibang section kung saan matatagpuan ang comic strips na Tanong Tanod at Bugoy; ang mga nakaka-challenge na crossword puzzles na Subok Dunong at Diwang Switik; mapapaisip sa Hanap Salita, Aritmetik at Sudoku; at maaaliw sa Hanapin ang 10 Naiiba.

Pagdating sa PM Sports, hindi pahuhuli sa pagbabalita ng bawat tagumpay ng atletang Pinoy. Masusubaybayan ang mga paboritong team o atleta sa pahinang ito. Dito rin mababasa ang Point Guard colum ng Philippine Star sports editor na si Nelson Beltran.

Panalo rin ang mga mananaya sa PM Sports dahil puwedeng rebyuhin ang programa sa karera at karera tips sa Patok Kilatis gayundin ang mga nagdaang resulta ng lotto draws sa Lotto Results.

Sa  halahang P10 lang, panalo sa Pang-Masa.

 

Show comments