^

PM Sports

Gaballo ‘di apektado na liyamado si Donaire

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nasisindak si Reymart Gaballo sa mga naglabasang forecast sa iba’t ibang betting sites sa nakatakdang laban nito kay reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Disyembre 11 (Disyembre 12 sa Maynila) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Malayo ang lamang ni Donaire kay Gaballo kung saan mas marami ang naniniwalang madedepensahan ng una ang titulo laban sa kababayan nito.

Ayaw magpaapekto ni Gaballo dito at sa halip mas nanaisin nitong mag-focus para sa laban.

Kasado na game plan ni Donaire para sa laban. Subalit may sariling game plan si Gaballo.

Hawak ni Gaballo ang taktikang binuo nito sa ilang buwan na pagsasanay kasama ang kanyang team.

Sa katunayan, kinuha pa nito si Cuban trainer Osmiri Fernandez sa kanilang training camp sa Miami, Florida.

Nasa fighting form na si Gaballo matapos ang ilang linggong pukpukang paghahanda.

Hindi rin magiging problema ang timbang dahil naglalaro na lamang ito sa 118-pound.

“Reymart is ready and focused for this fight,” ani JC Manangquil na siyang humahawak sa boxing career ni Gaballo.

Hindi pa nakakatikim ng talo si Gaballo sa kanyang boxing career tangan ang malinis na 24-0 rekord tampok ang 20 knockouts.

Kahit idolo pa niya ito, hindi aatrasan ng mandatory challenger na si Gaballo si Donaire.

Aminado si Gaballo na isa si Donaire sa mga tinitingala nito sa mundo ng boksing.

Subalit kakalimutan muna nito ang lahat dahil minsan lang dumating ang malaking oportunidad na makalaban sa isang world title fight..

 

 

REYMART GABALLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with