Blackwater interesado kay Ayonayon, McAloney

MANILA, Philippines — Sa isang trade proposal sa PBA Commissioner’s Office ay kukunin ng Blackwater sina scoring guard Mike Ayonayon at defensive player Will McAloney mula sa NLEX at ipapalit si forward Marion Magat kasama ang isang future second-round pick.
Noong 2019 ay hinugot ng Road Warriors ang 6-foot-7 na si Magat bilang isang free agent at naging paborito ni coach Yeng Guiao para sa kanyang depensa.
Subalit dinala ng NLEX si Magat sa TNT Tropang Giga para makuha si Fil-Am guard Jericho Cruz na tumatayo ngayong lider ng Road Warriors dahil sa paglalaro ni Kiefer Ravena sa Shiga Lakestars sa Japan B.League.
Nauna nang sumalang ang mga Beermen, Batang Pier, Gin Kings at Dyip sa malalaking trade na kinabibilangan ng palitang Arwind Santos-Vic Manuel, Alex Cabagnot-Simon Enciso at Art dela Cruz-Sidney Onwubere.
- Latest