Washington lider pa rin sa East

Spencer Dinwiddie.

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Washington Wizards ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para pamunuan ang Eastern Conference, habang dumiretso ang Los Angeles Clippers sa kanilang pang-pitong dikit na ratsada.

Kumamada si Spencer Dinwiddie ng 23 points at may 20 markers si Montrezl Harrell para pagbidahan ang 104-92 panalo ng Wizards (9-3) kontra sa Magic (3-10) sa kanilang sagupan sa Orlando.

Nagdagdag si Kyle Kuzma ng 17 points at 10 rebounds para sa Washington, huling naglista ng 9-3 record noong 2014-15 season at banderahan ang East.

Pinamunuan ni Cole Anthony ang Orlando sa kanyang 22 points, habang humakot si Mo Bamba ng 14 points, 17 rebounds at 3 block shots.

Sa Los Angeles, nagtala si Paul George ng 23 points, 9 boards at 4 assists para tulungan ang Clippers (8-4) sa 129-102 paggiba sa Minnesota Timberwolves (4-8).

Nag-ambag si guard Reggie Jackson ng 21 points para sa pang-pitong sunod na arangkada ng Clippers.

Sa Salt Lake City, humataw si Tyler Herro ng 27 points sa 111-105 pagsunog ng Miami Heat (7-5) sa Utah Jazz (8-5) at tapusin ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.

Sa Indianapolis, nagpasabog si Justin Holiday ng season-high 27 points para pamunuan ang Indiana Pacers (6-8) sa 118-113 paggupo sa Joel Embiid-less Philadelphia 76ers (8-6).

Sa New Orleans, umiskor si Nickeil Alexander-Walker ng 21 points at may 19 markers si Brandon Ingram sa 112-101 pagdaig ng Pelicans (2-12) sa Memphis Grizzlies (6-7).

Sa Toronto, humugot si Jerami Grant ng 14 sa kanyang 24 points sa fourth quarter sa 127-121 tagum-pay ng Detroit Pistons (3-9) sa Raptors (7-7).

Sa Cleveland, kumonekta si Darius Garland ng dalawang free throws sa huling 9.4 segundo para sa 91-89 paglusot ng Cavaliers (9-5) sa Boston (6-7).

 

Show comments