^

PM Sports

Javi malas sa unang B.League game

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tahimik ang naging debut ni Javi Gomez de Liaño sa 72-90 kabiguan ng Ibaraki Robots kontra sa Osaka sa Japan B.League sa Ookini Arena Maishima kahapon.

Nagkasya lang ang Filipino import sa tatlong puntos sa 13 minutong aksyon sa kanyang unang laro sa Japan matapos maantala ng kailangang papeles dagdag pa ang kanyang 14-day quarantine.

Nalaglag ang Ibaraki sa 1-9 kartada at sa pag­lalaro ni De Liaño ay nakumpleto na ang siyam na Pinoy players sa Japan matapos ang unang pagsalang ng iba simula pa noong nakaraang buwan.

Bigo rin sina Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars at Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins  habang nakalusot si Matthew Aquino ng Shinshu Brave Warriors.

Nasayang ang 14 puntos at walong assists ni Ra­vena sa 88-99 pagkatalo ng Shiga (6-4) kontra sa defending champion Chiba habang nalimitahan sa walong puntos si Parks sa 92-101 pagyukod ng Nagoya (5-5) kontra Gunma.

Bagama’t dalawang puntos lang ang ambag, wagi naman si Aquino at ang Shinshu (6-4) sa Akita, 76-51.

Naglalaro pa as of press time sina Thirdy Ravena ng San-en (3-6), Kobe Paras ng Niigata (2-7) at Dwight Ramos ng Toyama (1-8) pati na sina Juan Gomez de Liaño (Earthfriends Tokyo Z) at Kemark Cariño (Aomori Wat’s) sa Division II.

 

JAVI GOMEZ DE LIAñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with