Sofia Frank may record uli
MANILA, Philippines — Muling nagtala ng Philippine record si Fil-American figure skater Sofia Frank sa katatapos na Finlandia Trophy sa Espoo, Finland.
Kumolekta ang 16-anyos na si Frank ng 53.30 points sa short program at 94.79 points sa free skate para sa kanyang total score na 148.09 at tumapos sa ika-18 sa kabuuang 26 kalahok.
“Sofia Frank, 16 years of age, raises the bar once again,” pahayag ng Philippine Skating Union kahapon. “She is now the official holder of the country’s best scores for short program, free skate, and total scores.”
Ang Finland event ang ikalawa pa lamang na major international competition ni Frank bilang miyembro ng national team.
“Thank you for inspiring the future generation of figure skaters in the Philippines,” dagdag pa ng ska-ting federation.
Winalis nina Russian figure skaters Kamila Valieva (249.24), Elizaveta Tuktamysheva (233.30) at Alena Kostornaia (218.83) ang top three places ng torneo.
Kumpara kay Frank, minalas naman sina two-time Winter Olympian Michael Christian Martinez at Christopher Caluza sa pagtatapos sa No. 24 at No. 25 sa men’s competition sa kanilang mga iskor na 156.78 at 156.24, ayon sa pagkakasunod.
- Latest