‘Di mangyayari ang hiling ni Pau Gasol sa kanyang retirement
MADRID — Inihayag ni Pau Gasol ang kanyang pagreretiro sa basketball na kinatampukan ng dalawang NBA championships sa Lakers at isang world championship gold para sa national team ng Spain.
“In the end, playing until the age of 41, with everything that I have done, I think that’s not bad,” ani Gasol, naging bahagi si Gasol ng dalawang NBA titles ng La-kers noong 2009 at 2010 at nagtala ng mga averages na 17 points at 9.2 rebounds sa 1,226 regular-season games para sa limang NBA teams.
Gusto sana ni Pau Gasol na nasa kanyang tabi ang ang tinuring niyang kapatid na si Kobe Bryant sa araw ng opisyal na pagreretiro ng Spanish center ngunit hindi na ito nangyari dahil sa biglaang pagpanaw ng Legendary Lakers superstar kasama ang anak nitong si Gigi sa isang helicopter crash noong nakaraang taon.
“I really would have liked for him to be here ,” ani Gasol. “Sometimes life can be very unfair and we miss him and his daughter ‘Gigi’ a great deal. He taught me how to be a better leader, a better competitor. I have always considered him my older brother, so thank you, Kobe.”
Sa Memphis, Tennessee, hindi na tinapos ang preseason game ng Grizzlies at nagdedepensang Milwaukee Bucks nang tumunog ang fire alarm sa FedExForum. Lamang ang Grizzlies sa 87-77 sa third period nang matigil ang laro.
Sa New York, hindi nakipag-ensayo si Kyrie Irving sa Brooklyn Nets sa kanyang pag-iwas sa mga tanong dahil sa pagtanggi niyang magpabakuna laban sa COVID-19.
Ang New York ay may vaccine mandate kung saan kailangang bakunado na ang mga atletang mag-eensayo o maglalaro sa kanilang siyudad.
- Latest