Ella Fajardo inspirasyon sa mga batang players
MANILA, Philippines — Umaasa ang 18-anyos na si Ella Fajardo, magde-debut para sa Gilas Pilipinas 5-on-5 women’s team sa nalalapit na 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa Amman, Jordan, na marami pang kabataang tulad niya ang mabibigyan din ng pagkakataon na makapaglaro para sa bayan sa hinaharap.
Bahagi ng misyon ni Fajardo ang maging inspirasyon at ehemplo sa mga susunod na national team players. “To the youth we are doing everything that we can to give them more opportunities so that whatever they want to pursue, they’re going to have more exposure, they’re going to have more places to go to play the sport that they love,” aniya. “So just continue to work hard and just know that we’re working even harder so that your hard work will pay off in the end.”
Tulad ni Fajardo, sasalang din sa unang 5-on-5 international tilt sina Camille Clarin, Kristine Cayabyab at Karl Ann Pingol matapos ang kanilang matagumpay na 3x3 stint tampok ang bronze medal sa FIBA 3x3 Under-18 Asia Cup noong 2019.
Bagama’t bagito, inaasahan ang ma-laking kontribusyon ni Fajardo bunsod ng kanyang kalibre bilang pambato ng Fairleigh Dickinson University sa US NCAA Division I.
- Latest