MANILA, Philippines — Handa si World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas na ibigay ang rematch kung nanaisin ito ni legendary boxer Manny Pacquiao.
Inihayag ni Ugas na hindi ito magdadalawang-isip kung hihirit ang Pacquiao camp ng rematch.
“Two-hundred percent. Manny is a great legend, a great fighter. If he wants a rematch, no question about it. A legend like him deserves it,” ani Ugas.
Ani Ugas, malaking karangalan ang makalaban ang isang legendary boxer na tulad ni Pacquiao.
Pinatunayan ni Ugas na siya ang WBA champion matapos itarak ang impresibong unanimous decision win kay Pacquiao noong Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Hindi rin itinanggi ni Ugas na naramdaman nito ang lakas ng kamao ni Pacquiao.
“Of course, Manny Pacquiao punches hard. He is a great puncher. A got rattled by the left but he has been hard before. I have fought everybody and I know what to do when I get tagged,” ani Ugas.
Sa kabila ng maiksing preparasyon, nagawa ni Ugas ang misyon nito at isa sa game plan ni Ugas ang kontrolin ang laban. “Since the first round, he came out very alert. We knew that we had to take control of the fight and that’s exactly what we did,” ani Ugas.
Gayunpaman, mataas ang respeto nito kay Pacquiao na mananatiling isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan sa oras na magdesisyon itong magretiro.