MANILA, Philippines — Handa na ang lahat para sa blockbuster fight nina eight-division world champion Manny Pacquiao at reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas ngayong araw sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Parehong pasok sa timbang sina Pacquiao at Ugas kung saan tumimbang ang Pinoy champion ng 146 pounds habang may bigat na 147 ang Cuban fighter.
Maganda ang aura ni Pacquiao na nakangiti sa halos lahat ng pagkakataon.
Kita ang kasabikan nitong muling ipamalas ang bagsik ng kanyang kamao matapos ang dalawang taong pahinga dahil sa pandemya.
Matapos ang weigh in, agad na sumalang sa ma-tinding kainan si Pacquiao.
Nakalatag ang beef bulalo, ginisang ampalaya at pork bagnet na nilantakan nito kasama ang ilang mi-yembro ng Team Pacquiao.
Nang matapos itong kumain, nagpaunlak pa si Pacquiao sa ilang signing sessions at photo ops para sa mga fans.
Tapos na ang pukpukang ensayo.
Walang iba kundi lubos na kahandaan ang nasambit ni Pacquiao.
“I’m ready! I am not taking this fight lightly. I don’t want to be over confident for this fight. But I want to make sure that tomorrow night we’re going to get the victory and God willing, the fans will be happy,” ani Pacquiao.
Sa kabilang banda, business as usual ang itsura ng mukha ni Ugas.
Seryoso ang itsura nito sa buong panahon ng programa na tila nagpapakitang hindi ito nasisindak sa isang legendary boxer na tulad ni Pacquiao.
“I will be in a ring with a legend like Manny Pacquiao. I have a lot of respect for him so I’m very excited but all respect is finished once we get in the ring tomorrow,” ani Ugas.“I am definitely very excited and very emotional of this opportunity. I have the belt.