MANILA, Philippines — Mas lalo pang lumakas ang loob ng anim na Pinoy para athletes nang makausap via Zoom si Tokyo Olympic Games silver medalist Nesthy Petecio kamakailan.
“Mas motivated po kami ngayon lalo na at nalalapit na ang laro,” wika ni swimmer Ernie Gawilan kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. “Conditioning na lang po ang ginagawa namin ngayon sa training.”
Sasabak sina Gawilan, swimmer Gary Bejino, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda at powerlifter Achele Guion sa Tokyo Paralympics sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5.
Isa si Petecio sa magiging inspirasyon ng anim na Pinoy Paralympians bukod kina Olympic gold medal winner Hidilyn Diaz ng weightlifting, silver medalist Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial ng boxing.
“Nakipag-Zoom meeting siya (Petecio) with our para athletes to share her experience,” ani Team Phi-lippines Chef De Mission Kiko Diaz. “She and the rest of the Tokyo Olym-pians are our source of motivation and inspiration.”
Bigo ang Pinas na makuha ang inaasam na Paralympics gold mula nang lumahok noong 1988 sa Seoul, South Korea.
Bilang dagdag na motibasyon ay binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang anim na Pinoy para athletes ng allowance na tig-$3,000 (P150,000).