MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa bakbakan nina reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champio John Riel Casimero at Cuban fighter Guillermo Rigondeaux ngayon araw sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.
Parehong pasok sa timbang ang dalawang boxers kung saan may bigat na 118 pounds si Casimero habang tumimbang ng 117.5 pounds si Rigondeaux.
Kumpiyansa si Casimero na madedepensahan nito ang titulo at desidido itong makuha ang impresibong panalo na magbubukas ng pintuan para sa posibleng laban kina Nonito Donaire Jr. at Naoya Inoue.
Handa na ang game plan nito kay Rigondeaux. “I know how to manage my game plan against Rigondeaux but I’ll leave it as a surprise for him. Let’s see what happens. I’m not so much into the talking,” ani Casimero na hindi na idinetalye pa ang kanyang magiging taktika sa laban.
Walang puwang ang pagiging kampante para kay Casimero dahil nagdeklara si Rigondeaux na gagawin nito ang lahat para patumbahin ang Pinoy champion.
Sanay na si Rigondeaux sa estilo ng mga Pinoy boxers.
Nakalaban na nito sina Donaire at Drian Francisco na parehong naganap noong 2015 at parehong na-panalunan ng Cuban via unanimous decision.
“Casimero is going to be the third Filipino that I’m going to take down. Everyone is going to see what I’m about. I don’t have to tell anyone what’s going to happen now, you’re going to see it all in the ring,” ani Rigondeaux.
Hindi rin nasisindak si Rigondeaux sa mga patutsada ni Casimero. “I’m not worried about his talking. I always do my best talking with my fists and in the ring. He’s going to have the devil in front of him,” aniya.