Monteverde bagong coach ng UP

Goldwin Monteverde.

MANILA, Philippines — Itinalaga ng UP Fighting Maroons ang batikang mentor na si Goldwin Monteverde bilang pinakabagong head coach ng men’s basketball team nito sa UAAP, ayon sa anunsyo ng unibersidad kahapon.

Mismong si UP Diliman chancellor Fidel Nemenzo ang nagpahayag ng appointment kay Monteverde na siyang ookupa sa naiwang puwesto ni dating chief tactician Bo Perasol.

Magsisilbi namang UP program director si Perasol.

Makakasama uli ni Monteverde sa Diliman ang mga dating manok na sina Carl Tamayo, Gerry Abadiano at Terrence Fortea na nanguna sa NU Bullpups dynasty sa ilalim ng kanyang gabay.

Giniyahan ni Monteverde ang NU sa dalawang sunod na kampeonato sa UAAP juniors sahog ang makasaysayang 16-0 sweep noong Season 82 bago ang pandemya bukod pa ang mga titulo sa NBTC at sa Palarong Pambansa.

Sa UP, bigating roster ang dadatnan ni Monteverde dahil bukod sa kanyang mga dating Bullpups ay bibida rin sa Fighting Maroons sina Ricci Rivero, CJ Cansino, Malick Diouf, RC Calimag, Bismarck Lina at Joel Cagulangan.

Show comments