^

PM Sports

Alapag assistant coach sa Sacramento Kings

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Alapag assistant coach sa Sacramento Kings
Jimmy Alapag.

MANILA, Philippines — Magsisilbi si Jimmy Alapag bilang assistant coach ng Sacramento Kings sa pagbubukas ng 2021 NBA Summer League sa Las Vegas sa ikalawang pagkakataon.

Una nang naging assistant sa Kings at sa Summer League si Alapag noong 2019 bago ang pagbabalik ngayon sa ilalim uli ni head coach Bobby Jackson, ayon sa official team roster na inilabas ng NBC Sacramento.

Magkakaroon ng tsansa si Alapag na magabayan sa Kings sina 2021 NBA Draft No. 9 overall pick Davion Mitchell at Alex Antetokounmpo, kapatid ni 2020 NBA champion at Finals MVP Giannis ng Milwaukee Bucks.

Sisimulan nina Alapag at ng Kings ang NBA Summer League campaign kontra sa Charlotte Hornets ngayong araw matapos ang California Summer League stint nitong nagdaang linggo kontra sa LA Lakers at Golden State Warriors.

Matatandaang umalis si Alapag sa bansa noong nakaraang taon upang sa Amerika na manirahan matapos ang deputy coaching stint sa San Miguel Beer sa PBA at head coaching role sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League (ABL).

Ginabayan niya ang Alab sa ABL championship noong 2019 at bahagi rin ng dalawang titulo ng Beermen noong 2019 PBA Philippine Cup at Commissioner´s Cup.

Bukod doon ay naging bahagi rin siya ng coaching staff ng Gilas Pilipinas at consultant ng Meralco Bolts,  kung saan siya huling naglaro noong 2016 matapos ang 13 taong career.

Matagal ding naging team captain ng Gilas si Alapag na humakot ng anim na PBA championships, isang MVP, dalawang Finals MVP, 11 All-Star selections at tatlong Mythical Team citations.  Bahagi rin ang 43-anyos na alamat ng prestihiyosong PBA 40 Greatest Players bago pumasok sa coaching.

 

JIMMY ALAPAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with