^

PM Sports

Diaz, Didal sasalang na

Pang-masa
Diaz, Didal sasalang na
Hidilyn Diaz at Margielyn Didal.

TOKYO — Bubuksan ngayon nina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal ang kani-kanilang kampanya sa Tokyo Olympic Games.

Bubuhat ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist na si Diaz sa women’s 55-kilogram division sa alas-6:50 ng gabi sa Tokyo International Forum.

Ito ang ikaapat na sunod na Olympics appearance ng 30-anyos na tubong Zamboanga City at hangad na makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

Matapos namang magreyna sa Asian Games at Southeast Asian Games ay pupuntiryahin naman ni Didal ang Olympic gold.

Sasalang ngayong umaga ang 21-anyos na si Didal sa women’s street skate event sa debut ng skateboarding competition sa Olympics.

Nakatakda ang wo-men’s preliminaries sa alas-8:30 ng umaga (alas-7:30 ng umaga sa Manila) kasunod ang finals sa alas-1:30 ng hapon.

Kabilang sa 19 pang skaters na makakasukatan ng Cebuana ay ang kanyang mga kaibigang sina World No. 5 Momiji Nishiya at World No. 11 Funa Nakayama ng Japan.

Nakasalamuha ni Didal ang kanyang iniidolong si skateboarding legend Tony Hawk na naka-selfie pa niya.

Ang mga course sa Tokyo skateboarding competition ay ibinase sa mga disenyo ng ilang world championships at qualifying events.

“Kung baga sa basketball, dati half court lang ang inilalaro mo, ngayon full court na,” wika ni Skateboard Pilipinas (SP) president Carl Sambrano. “The duration is the same. It’s still 45 seconds but in a bigger play.”

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with