Ramos alanganin pa

Dwight Ramos

MANILA, Philippines — Namumurong hindi makalaro si Dwight Ramos para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia ngayong linggo.

Mismong si head coach at program director Tab Baldwin ang umamin na posibleng hindi makasalang si Ramos bunsod ng iniinda pa ring groin injury na natamo nitong huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers noong nakaraang linggo.

“He’s not likely for either game. But these things can change overnight,” ani Baldwin sa Zoom press conference kahapon. “With the groin injury, it’s not common. Usual-ly these things drag on, and that’s what he seems to be experiencing. He wants to try, but he’s in no shape to play.”

Malaki ang maiiwang butas ni Ramos sa Gilas kung sakali sa krusyal na laban kontra sa Serbia at Dominican Republic sa Huwebes at Biyernes, ayon sa pagkakasunod.

Si Ramos ang nanguna sa 6-0 kampanya ng Gilas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga matapos maglista ng 15.0 puntos, 6.7 rebounds at 2.3 steals kontra sa Indonesia at South Korea na inaasahan sanang madadala niya sa FIBA OQT.

Isa rin sana si Ramos sa mga “Players to Watch” ng FIBA kasama ang anim pa sa FIBA OQT na magsisimula bukas hanggang Hulyo 4.

“He is a go-to guy in the new Gilas generation, which is still on a mission to find a new leader after legendary Andray Blatche,” anang FIBA kay Ramos.

Show comments