Binitbit ng women power ang Team Philippines sa nakaraang 2016 Rio Olympics at sa most recent na Asian Games sa Indonesia noong 2018.
Sumungkit si Hidilyn Diaz ng silver sa Rio at sinamahan siya nina skateboarder Margielyn Didal at Yuka Saso-led Phl ladies golf team sa paghugot ng apat na ginto sa Jakarta-Palembang Asiad.
Top bet ng bansa sa Tokyo Olympics si world champion gymnast Caloy Yulo.
Pero hindi long shot na muling umariba ang mga Pinay warriors.
Susubok mag-back-to-back Olympic medalist si Diaz samantalang target ni Nesthy Petecio na maging Olympic gold-medal winner pagkatapos maging women’s world amateur boxing champ.
Nariyan din ang isa pang lady boxer na si Irish Magno. At lalago pa ang women cast sa Team Phl sa inaasahang pagku-qualify nina Didal, ang golf duo ni Saso at Bian-ca Pagdanganan at judo bet Kiyomi Watanabe. Hindi rin siguro dapat i-count out ang mga lady jins at karatekas.
Sana lang, maayos na kung ano man ang pinagmamaktol ni Marcial, at hindi na lumaki pa at makaapekto sa ibang Olympic-bound athletes.
***
May woman power din na siyang tunay na astig sa Tropang Kubo sa Maysan, Valenzuela. Ito ay si Mildred Valles Pabaya na biniyayaan ng karagdagan bilang sa kanyang edad ngayong araw na ito.
Cheers for more, more, more years!