Patrick Coo tangka ang Olympics slot sa BMX

Patrick Coo

MANILA, Philippines — Matapos si Fil-American Daniel Caluag, ang 19-anyos na BMX rider na si Patrick Coo naman ang naghahangad na  kumarera sa Olympic Games.

Sasabak si Coo sa International Cycling Union (UCI) World Cup Round 4 Olympic qualifier sa Bogota sa Mayo 30 sa layuning maging pang-walong Pinoy athlete na lalahok sa 2021 Tokyo Games sa Japan.

 “I am very much motivated and excited to go after that slot to the Tokyo Olympics,” wika ni Coo, ang 2019 Asian BMX juniors champion na ang amang si Benjamin ay tubong Iloilo habang ang inang si Romalyn ay mula sa Cagayan de Oro City.

Hindi makakalahok si Caluag, na-ging kinatawan ng bansa sa London Olympics noong 2012, sa nasabing Olympic qualifiers dahil kasalukuyan siyang nagsisilbi bilang frontliner nurse sa isang ospital sa Kentucky, USA.

“When Danny won, I was motivated to race for the Philippines,” wika ni Coo sa pagkopo ni Caluag sa nag-iisang gold medal ng bansa noong 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.

Ang nasabing panalo ni Caluag ang nagtampok sa kanya bilang Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

“We are hoping for Patrick to qualify for the Tokyo Olympics not only because of his potentials to become a champion, but because of his passion and movitation— he trains endlessly,” ani Phi-lippine Olympic Committee (POC) at PhilCycling president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Show comments