MANILA, Philippines — Tiwala si super rookie Joshua Munzon na makakapuwing ang Terrafirma ngayong papalapit na PBA Season 46 tungo sa misyong makapasok sa playoffs matapos ang ilang taong pagkakasibak sa kontensyon.
Numero unong pick ng Dyip sa 2021 PBA Rookie Draft si Munzon na kumpiyansa sa bagito ngunit palabang roster ng koponan sa suporta ng 2019 first pick na si Roosevelt Adams at kapwa 2021 draftee niyang si James Laput, na napili ng koponan bilang No. 8 pick.
“We might be at the bottom last year, but I don’t expect to be at the bottom this year with the team that we have,” anang Filipino-American ace. “Hopefully, I can come in there and contribute and do the ne-cessary things to move us up. Our goal is definitely to be in the playoffs and be a part of the conversation this year.”
Si Munzon na ang titimon sa Terrafirma simula sa 2021 Season na inaasahang magbubukas sa Hunyo matapos ang pagkawala ng dating lider na si CJ Perez na na-trade sa San Miguel sa blockbuster deal nitong offseason.