NEW YORK— Inihayag kahapon ni Brooklyn Nets center LaMarcus Aldridge sa Twitter ang kanyang pagreretiro sa NBA matapos makaramdam ng irregular heartbeat sa pinakahuli niyang paglalaro sa team. “For 15 years I’ve put basketball first,” sabi ni Aldridge. “And now, it is time to put my health and family first.”
Naramdaman niya ang irregular heartbeat sa laban ng Nets sa nagdedepensang Los Angeles Lakers noong Sabado.