Atletang frontliners kikilalanin sa PSA Awards
MANILA, Philippines — Bibigyan ng rekognisyon ng pinakamatandang media organization ang mga national athletes na mga enlisted personnel din.
Bilang mga athletes-frontliners ay tumutulong sila sa paglaban ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na siyang kikilalanin sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Sabado sa TV5 Media Center.
Ang special citation ay bahagi ng 2020 honor roll ng PSA na pinamumunuan ni Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao at inihahandog ng San Miguel Corporation (SMC) katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV na isasaere sa Linggo sa OneSports+ .
Ilan sa mga athletes-frontliners ay sina SEA Games gold medal winners Nikko Huelgas at Claire Adorna (triathlon), Philippine men’s volleyball coach Dante Alinsunurin at players Jessie Lopez at Ranran Abadilla, UST Tigresses mentor Kung Fu Reyes at si Jovelyn Gonzaga.
- Latest