^

PM Sports

Marcial PSA Executive of the Year

Pang-masa
Marcial PSA Executive of the Year
Willie Marcial

MANILA, Philippines — Dahil sa matagumpay na paggiya ni PBA Commissioner Willie Marcial sa restart ng kanilang 45th season sa kabila ng pandemya ay pararangalan siya sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Marso 27.

Tinanghal si Marcial, ang ika-10 Commissioner ng unang pro league sa Asya, bilang Executive of the Year ng sportswriting fraternity sa kauna-unahang virtual event na gagawin sa TV5 Media Center.

Ang special honor ay isa sa 32 awards na ibibigay sa event na inihahandog ng San Miguel Corporation (SMC), PSC (Philippine Sports Commission) at Cignal TV katuwang ang 1 Pacman Partylist, Chooks-to-Go at Rain or Shine bilang major backers. Ipapalabas ang virtual Awards Night sa Marso 28 sa One Sports+.

Pinamunuan ni Marcial ang higit sa 500 PBA contingent sa Clark, Pampanga noong Oktubre ng 2020 para sa pagpapatuloy ng Philippine Cup na inilaro sa ilalim ng mahigpit na bubble format.

Ang Executive of the Year ang pinakabagong parangal na igagawad sa PBA chief na nauna nang kinilala ng PBA Press Corps at iba pang sports bodies at publications dahil sa kanyang liderato sa harap ng COVID-19 pandemic.

 

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with