^

PM Sports

Davao nakauna

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinandigan ng Davao Occidental Tigers ang eksperyensa ni veteran Mark Yee para lusutan ang nagdedepensang San Juan Knights sa overtime, 77-75, sa Game One ng MPBL Lakan Season National Finals kahapon sa Subic Bay Convention Center.

Kumolekta si Yee ng 15 points, 8 rebounds, 4 steals at 3 assists para sa 1-0 abante ng Tigers sa kanilang best-of-five title showdown ng Knights.

“Ibinuhos na namin lahat para makuha iyong panalo,” sabi ng 6-foot-2 na si Yee.

Kinuha ng San Juan ang 11-point lead, 45-34, sa 3:33 minuto ng second quarter bago nakatabla ang Davao Occidental sa 68-68 sa huling 45 segundo ng final canto patungo sa extension.

Inagaw ng Knights ang 75-74 abante sa hu­ling 48.4 segundo ng extra period hanggang isalpak ni Yee ang dalawang free throws para sa 76-75 kalamangan ng Tigers sa 19.3 segundo nito.

Sinupalpal naman ni Billy Robles ang layup ni San Juan star Mike Ayonayon ang nagresulta sa split ni Yee sa huling 2.7 segundo para sa panalo ng Davao Occidental.

Samantala, nilinaw ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na sinunod lamang nila ang ipinatutupad na health and safety protocols sa Subic ‘bubble’ nang i-default ang laro ng Basilan Steel Tigers sa Game Three ng kanilang South Division Finals.

vuukle comment

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with