Isyu kay Parks ‘di palalagpasin ng TNT

MANILA, Philippines — Iaakyat ng TNT Tropang Giga sa PBA Commissioner’s Office ang isyu kay Bobby Ray Parks Jr. na iniwan sa era ang Katropa matapos ang kontrobersyal na desisyong hindi muna ito maglalaro ngayong paparating na 46th PBA Season.

Ayon kay TNT go-vernor Ricky Vargas, nagkaroon na sila ng inisyal na pag-uusap ni Commissioner Willie Marcial sa PBA Press Corps Awards Night sa TV5 Media Center kamakalawa.

“We’ll take a look at it from two points of view. This is not the first time this incident happened. We’ll see how we can address this issue so that moving forward, the policies are a lot clearer and fairer to everyone concern,” ani Vargas, na nagsisilbi ring chairman ng PBA Board of Governors.

Sinubukan na rin kausapin ng personal ni Vargas si Parks tungkol sa kanyang biglaang anunsyo na magsit-out ngayong season dahil  diumano’y kailangan niyang asikasuhin ang may sakit na ina.

Ngunit wala itong sagot hanggang sa nga-yon kaya kinuwestiyon din mismo ni PLDT-Smart Chairman at TNT owner Manny V. Pangilinan ang kanyang tunay na dahilan matapos malamang wala ito sa Los Angeles para samahan ang ina kundi nasa La Union.

Paso na ang isang taong kontrata ni Parks subalit ayon sa mga ulat ay may offer ang TNT sa kanya na two-year maximum deal. Nananatili rin sa koponan ang rights kay Parks.

Ang isyung tulad nito sa desisyon ng mga players na magsit-out nang big­laan ay isa rin sa agenda ng idinaraos na two-day PBA Board Planning Session sa PBA Office sa Libis, Quezon City.

Samantala, nilinaw ng Rain or Shine na hindi magiging pareho ng kaso ng mga ibang ‘active consultant’ ang sitwasyon sa koponan sa ilalim ni bagong head coach Chris Gavina at Caloy Garcia, na naitalagang consultant at head of basketball operations.

Sinabi ni Elasto Painters alternate governor Edison Oribiana na si Gavina pa rin ang mag-titimon sa koponan – taliwas sa mga ibang ‘active consultants’ habang nakaalalay lamang si Garcia sa “macro” ma-nagement ng koponan sa pangkabuuan.

Show comments