Didal skater of the year
MANILA, Philippines — Mula sa kanyang training camp sa Cebu City ay kumita si 2018 Asian Games gold me-dalist Margielyn Didal ng humigit-kumulang sa P88,000 matapos hira-ngin bilang 2020 Skater of the Year ng kauna-unahang Asia Skateboarding Awards.
Inungusan ng 21-an-yos na Cebuana skater, inangkin ang gold medal sa women’s street skateboarding event noong 2018 Asiad sa Indonesia, para sa nasabing award ang pito pang nominado kabilang ang kababayang si Cindy Lou Serna.
Ang 2020 Skater of the Year trophy ay may katumbas na $1,500 (halos P73,000) bukod pa ang nauna niyang nakamit na “Style for Miles” at “Fastest Feet in the East” awards na may katumbas na $300 (halos P14,500).
Pinaghahandaan ni Didal, sinikwat ang dalawang gintong medalya sa women’s Game of Skate at street skateboarding events noong 2019 Southeast Asian Games, ang qualifying tournament ng 2021 Olynpic Games.
“Kampante naman ako kung nasa anong numero ako ngayon sa world rankings but also like if I could make it better it would be good,” ani Didal, nakapuwesto sa No. 14 sa street skate rankings ng World Skate kung saan ang top 20 ang bibigyan ng tiket para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Nauna nang kinansela ng World Skate, ang international skateboarding at roller sports body, ang dalawang Olympic qualifying tournaments dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
- Latest