^

PM Sports

Pangalusian Island sali sa 4YO & Above Local/Imported Challenge

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng pagsali ang Pangalusian Island sa Four-Year-Old & Above Local/Imported Challenge Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.

Makikilatis ang tikas ng reigning Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island laban sa 10 pang kalahok sa distansyang 1,600 meter race.

Tiyak na bebenta sa takilya ang Pangalusian Island pero maraming komento sa social media na mapapalaban ng todo ang nasabing kampeon lalo na’t hindi naman kahabaan ang distansya ng karera at posibleng maging mahigpit na karibal nito ang mga nagdeklara rin ng pagsali na Tony’s Love at In The Zone.

Ang ibang nagpalista sa event na suportado ng Phi-lippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay ang Chancetheracer, Dragon Butterfly, Full Stream, Gomper Girl, Joyous Solution, Our Tito, Righteous Ruby at Sky Candy. May guaranteed prize na P500,000 kung saan hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang halagang P300,000. Magbubulsa rin ng P25,000 ang breeder ng winning local horse.

CARMONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with