DETROIT— Bibitawan ng Pistons si star forward Blake Griffin para sa kanilang rebuilding process.
“After extensive conversation with Blake’s representatives, it has been determined that we will begin working to facilitate a resolution regarding his future with the team that maximizes the interests of both parties,” sabi ni Pistons general manager Troy Weaver.
Napunta si Griffin, magiging 32-anyos sa susunod na buwan, sa Detroit mula sa trade noong 2017-18 season.
Kung maite-trade si Griffin o sa pamamagitan ng buyout ay mabibigyan ang veteran forward ng pagkakataong maipakita pa ang kanyang talento sa ibang koponan.
Sa Cleveland, hahanapan ng Caveliers ng trade si center Andre Drummond bago ang March 25 deadline.
Hindi pinaglaro ang two-time All-Star na si Drummond noong Linggo nang malasap ng Cavaliers ang kanilang pang-pitong sunod na kabiguan. Naupo siya sa bench sa Staples Center sa Los Angeles na nakasuot ng sweatshirt na may nakasulat na “farewell” sa harap.