Jokic triple-double sa panalo sa Lakers

DENVER — Ipinoste ni Nikola Jokic ang kanyang ikaanim na triple-double ngayong season matapos akayin ang Nuggets sa 122-105 pagpapatumba sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Kumolekta si Jokic ng 23 points, 16 rebounds at 10 assists para tapusin ng Denver (15-11) ang seven-game wining streak ng Los Angeles (21-7).

Nakahugot ang Lakers kay LeBron James ng 22 points, 10 rebounds at 9 assists habang lumala ang right Achilles injury ni forward Anthony Davis.

Sa Dallas, nagsalpak si Damian Lillard ng isang tiebreaking three-pointer sa huling minuto ng laro para ihatid ang Portland Trail Blazers (16-10) sa 121-118 paglusot sa Mavericks (13-15).

Tumapos si Lillard na may 34 points at 11 assists para sa Trail Blazers.

Sa Phoenix, nagpasabog si Devin Booker ng 27 points para sa 109-90 pagtunaw ng Suns (17-9) sa Orlando Magic (10-18).

Sa Oklahoma City, tumipa si Justin Jackson ng season-high 22 points para tulungan ang Thunder (11-15) na ibasura ang triple-double ni Giannis Antetokounmpo sa 114-109 paggupo sa Milwaukee Bucks (16-11).

Sa Washington, nagbagsak si Bradley Beal ng 35 points habang may 13 points, 11 assists at 9 rebounds si Russell Westbrook para sa 104-91 paggiba ng Wizards (7-17) sa Boston Celtics (13-13).

Sa Florida, umiskor si Karl-Anthony Towns ng 20 points para tulungan ang Minnesota Timberwolves (7-20) sa 116-112 panalo laban sa Toronto Raptors (12-15).

Sa Detroit, kumolekta si Mason Plumlee ng triple-double sa kanyang 17 points, 10 rebounds at 10 assists para pamunuan ang Pistons (8-19) sa 123-112 pagdomina sa New Orleans Pelicans (11-15).

Sa Charlotte, nagtala si Dejounte Murray ng 26 points at 12 rebounds para sa 122-110 tagumpay ng San Antonio Spurs (16-11) kontra sa Hornets (13-15).

 

Show comments