MANILA, Philippines — Matapos magkasundo, nakatakdang itulak ng Meralco si veteran point guard Baser Amer papunta sa Blackwater kapalit si wingman Mac Belo.
Ito ang kinumpirma ni Bolts team manager Paolo Trillo sa PMSports kahapon.
Naipasa na ng dalawang koponan ang trade papers ng one-on-one transaction at naghihintay na lamang ng approval ng PBA trade committee.
Pupunan ni Amer ang starting point guard position na kulang ng Elite habang dadagdag sa frontcourt ng Bolts si Belo.
Parehong dating miyembro ng Gilas Pilipinas si Amer na 7th overall pick ng Bolts noong 2015 gayundin si Belo na bahagi ng special Gilas draft noong 2016. Pareho rin silang three-time PBA All-Stars.
Sa likod ng 9.0 puntos, 2.8 rebounds at 2.7 assists, solido ang naging performance ni Amer sa 2020 PBA Philippine Cup para sa Bolts na umabot hanggang semifinals habang pi-nangunahan ni Belo sa kabila ng maagang exit ang Elite sa na-rehistrong 1.4 points, 5.3 rebounds at 1.0 as-sists.