Pinakamaraming draft applicants
MANILA, Philippines — Kabuuang 97 aspirants ang nagpasa ng kanilang aplikasyon para sa 2021 PBA Rookie Draft sa pagtatapos ng deadline kahapon upang maitala ang pinakama-laking bilang ng mga aplikante sa record ng liga.
Si La Salle captain Aljun Melecio ang isa sa mga pinakahuling rookie hopeful na sumali nang magdesisyon kahapon ng tanghali na hindi na ituloy ang kanyang final playing year sa UAAP.“This is a painful announcement, but it is one I have to make: I am entering the 2021 PBA Draft,’ anang dating UAAP Rookie of the Year.
Matapos magdeklara ng intensyon ng pagsali noong nakaraang linggo, pormal nang ipinasa ni Filipino-American prospect Taylor Statham ang kanyang aplikasyon kamakalawa ng gabi.
Bukod sa Chooks-to-Go 3x3 at NBA G League stints, nagpasiklab din si Statham sa Thailand, China, Indonesia at Canada upang maging posibleng first round prospect sa draft na inaabangang pinakamalalim sa mga nakalipas na taon.
Ilan pa sa mga hu-ling sumali kamakalawa ng gabi ay sina NCAA MVP at Gilas Pilipinas cadet Calvin Oftana ng San Beda, Alec Stockton ng FEU, Brian Enriquez ng UE at Jerrick Ahan-misi ng Adamson na nagdesisyong hindi na rin sumalang sa huling collegiate year.
Swak din sa deadline sina Jordan Heading ng Alab Pilipinas at Mikey Williams.
Sasamahan nila ang bigating draft class na inaa-sahang babanderahan ng mg posibleng top picks na sina Joshua Munzon at Jaime Malonzo.
Namumuro ring top prospects sina Alvin Pasaol, Troy Rike, Santi Santillan at Franky Johnson mula sa 3x3, Larry Muyang ng Letran at James Laput ng La Salle gayundin ang iba pang Gilas cadets na sina Will Navarro ng Ateneo at Jaydee Tungcab ng UP.
Samantala, ang isa pang Gilas cadet at prized big man prospect na si Justine Baltazar ng Green Archers ay hindi muna sumali ngayong draft ayon sa kanyang anunsyo kahapon.
Bukod sa pagluwag ng requirements sa Filipino-Foreign players bunsod ng pandemya, malaking dahilan sa pagdami ng mga aplikante ngayon ang desisyon ng mga college players na tumalon na agad sa pro ranks dahil sa walang kasiguruhan na pagbabalik ng UAAP at NCAA.
Sa Marso 14 gaganapin ang PBA draft sa ilalim ng online set-up. Terrafirma, Northport at NLEX, ayon sa pagkakasunod, ang may hawak ng top three picks.
- Latest