MANILA, Philippines — Umaasa ang beteranong guwardiya na si Sol Mercado na makahanap ng bagong koponan sa parating na 46th PBA Season sa Abril matapos matengga sa free agency nitong nakaraang taon.
Matapos ang makulay na karera sa Barangay Ginebra na kinatampukan ng tatlong kampeonato, napunta si Mercado sa NorthPort at sa Phoenix kung saan hindi rin siya nagtagal tungo sa pagiging free agent bago ang pandemya.
Sa pagbabalik ng PBA noong Setyembre para sa makasaysayang 2020 PBA Philippine Cup sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga ay ma-lakas ang ugong-ugong na makukuha sana siya sa free agency subalit li-mitadong roster lang ang pinayagang dalhin ng mga koponan doon.
Ngayon bilang isa pa rin sa top free agents ng PBA offseason, hi-ling ni Mercado na magkaroon ng bagong simula upang mapatunayan na mayroon pa siyang ibubuga sa edad na 36-anyos.
Pangako ng 11-year pro na 5th overall pick noong 2008 draft ang kanyang karanasan at liderato sa anumang koponan na susugal sa kanya sa paparating na 2021 Season.
Samantala, prubado na rin ang trade sa pagitan ng Rain or Shine at NorthPort naka-sentro sa big man na si Bradwyn Guinto.
Napalakas ng Elasto Painters ang frontcourt nito sa pagsikwat kay Guinto kapalit sina Sydney Onwubere at Clint Doliguez na mapupunta sa Batang Pier.
Pinaplantsa pa ng mga teams, GAB at Local Governments Units ang nakatakdang pagbabalik-training para sa pagbubukas ng liga sa Abril.