MANILA, Philippines — Aapela si Puerto Rican fighter Emmanuel Rodriguez sa pagkatalo nito kay newly-crowned interim World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Reymart Gaballo noong Linggo sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.
Dismayado si Rodriguez sa resulta ng laban matapos ibigay kay Gabal-lo ang split decision win kung saan tanging si David Sutherland ang naniwalang nanalo ang Puerto Rican fighter sa kanyang ibinigay na 118-110 desisyon.
Nakuha ni Gaballo ang panig ng dalawang judges na sina Don Trella (116-112) at John McKaie (115-113).
“We are going to appeal this decision. Eve-ryone knows that we won the fight. This is so bad for boxing. We can’t have this decision that we know we won. We outfought him for twelve rounds,” ani Rodriguez.
Lamang ng bahagya si Rodriguez sa compubox na siyang bumibilang sa mga suntok sa isang laban. Naikonekta nito ang 109 suntok kumpara sa 93 lamang ni Gaballo.
Subalit mas agresibo si Gaballo sa buong panahon ng laban kung saan nagpakawala ito ng 520 punches laban sa 372 lamang ni Rodriguez.
Ang pagiging agresibo ng Pinoy pug ang posibleng naging bentahe nito kay Rodriguez. May tama pa ang ilong ni Rodriguez matapos ang laban.
Gayunpaman, naniniwala ang Puerto Rican pug na siya ang nanalo sa laban dahil dalawa hanggang tatlong rounds lamang umano naging agresibo si Gaballo.
“It was a good fight but honestly, there’s no way he won more than three rounds. Look at the fight, and you’ll see I’m landing two punches to his one,” ani Rodriguez.
Nakatakdang isumite ng kampo ni Rodriguez ang apela sa Mohegan Tribe Department of Athletic Regulation na siyang nagbigay ng lisensiya sa laban. “It never should have come down to this. I won the fight and we will appeal this outcome,” wika pa ni Rodriguez.
Tahimik lang ang kampo ni Gaballo na posibleng naghahanda nang bumalik sa Pilipinas para ipagdiwang ang kanyang panalo.