Presidential Gold Cup sa December 27

MANILA, Philippines — May mga nagdeklara na ng pagsali sa Presidential Gold Cup race na ikakasa sa Disyembre 27 kung saan tiyak na ilalahok ng mga trainers at horseowners ang kanilang pambatong kabayo.

Kasama sa nagsaad ng pagsali sa PGC ang Summer Romance at masisila-yan itong tatakbo ngayong araw sa Condition Race Merge (10) na pakakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Rerendahan ni class A rider CS Pare Jr., makakalaban ng Summer Romance ang  Metamorphosis, Chancetheracer, My Jopay, Shoo In, Certain To Win, Best Regards, Viva Morena, Gomper Girl, The Accountant, JAYZ,  Boss Nova at Magtotobetsky habang ang couple entry ay ang Messi.

Samantala, inaasahang maghahayag ng pagsali sa PGC ang umukit ng history sa karera nitong nakaraan na Heneral kalentong at defending champion Super Sonic.

Winalis ng Heneral Kalentong ang tatlong legs ng Triple Crown Series kaya paniguradong may ibubuga ito laban sa mga beteranong kalahok sa PGC.

 

Show comments