MANILA, Philippines — Para kay Deputy Speaker Mikee Romero (1Pacman Partylist), ito na ang magandang pagkakataon para mapasakamay ng Pilipinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.
At nararapat lamang na magkaisa ang lahat ng mga sports leaders at major stakeholders para tulu-ngang makagawa ng plano si Philippine Olympic Committee (POC) re-elected president Abraham “Bambol” Tolentino.
“We have to plan and work as one because the coming Tokyo Games is really our best chance,” ani Romero. “No more politics in sports because it destroys the three values of Olympism which are excellence, friendship and respect.”
Idaraos ang 2021 Olympics sa Tokyo, Japan kung saan tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang nakakuha ng tiket.
“They are the country’s top gold medal prospects so far but I am looking forward for more qualifiers,” wika ni Romero, dating amateur basketball godfather.
Tumatarget din ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro silver medal winner Hidilyn Diaz (weightlifting), Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Rogen Ladon at Ian Clark Bautista (boxing), Kiyomi Watanabe (judo) at Yuka Saso at Bianca Pagdanganan (golf).
Nakuha ni Tolentino, kinatawan ng Tagaytay City sa Kongreso at pangulo ng cycling federation, ang kanyang ‘full term’ matapos talunin si archery chief Clint Aranas sa POC elections noong Biyernes.