Hayward sa Hornets
CHARLOTTE -- Inihayag ng Hornets ang pagkuha nila kay star forward Gordon Hayward sa isang sign-and-trade deal mula sa Boston Celtics.
Bukod kay Hayward ay mapapasakamay rin ng Charlotte ang isang 2023 at 2024 second-round draft pick ng Boston kapalit ng isang protected 2022 second-round draft pick.
Binitawan din ng Hornets sina guard Nicolas Batum at forward Ray Spalding para sa pagda-ting ni Hayward.
Nilagdaan ni Hayward ang 4-year contract na nagkakahalaga ng $120 milyon para isuot ang uniporme ng Hornets habang nakagawa naman ang Celtics ng trade exception na nagkakahalaga ng halos $30 milyon na dapat nilang gamitin sa loob ng isang taon.
Humataw si Hayward, ang ninth overall pick ng Utah Jazz noong 2010 Draft, ng mga averages na 15.3 points, 4.4 rebounds at 3.5 assists per game sa kanyang 10-year NBA career.
Sa 29 playoff games ng nakaraang 2020 NBA season ay nag-average si Hayward ng 15.0 points, 4.6 rebounds at 2.9 assists.
- Latest