Okay na si Galliguez

Abel Galliguez

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Negatibo ang CT-scan, MRI at X-ray tests ni Abel Galliguez ng Alaska Aces matapos ang makapanindig-balahibong pagbagsak nito mula sa mid-air collision kay Ray Parks Jr. sa fourth quarter ng kanilang 83-104 quarterfinal loss sa TNT Tropang Giga kamakalawa.

Kinailangan ng 20 tahi sa malaking sugat sa ulo ni Galliguez matapos itakbo sa The Medical City Clark.

“The good news was that there’s no fracture,” ani Galliguez na sinamahan nina Alaska medical staff Dr. Facundo Sun at trainer Gus Vargas. “Everything was checked and it’s ok.”

Sinabayan ni Galliguez si Parks, 9:47 minuto ang oras sa huling canto kung saan lamang ang TNT, 86-69 na dahilan ng masama niyang bagsak na una ang ulo sa sahig.

*WRIGHT NA-NGUNA-- Nanguna si Matthew Wright ng Phoenix Fuel Masters sa statistical race ng 2020 Philippine Cup restart matapos makalikom ng 39.5 SPs papasok sa semifinals.

“That’s the goal that I’ve always wanted. I feel like I’m one of the best. I’m super competitive. I want to be the best. I know that in order to be mentioned among the best, you have to win certain awards and championships,” ani Wright na may 22.8 puntos, 5.4 rebounds at 6.0 assists average.

Sumunod kay Wright sina CJ Perez ng sibak nang Terrafirma, teammate na si Jason Perkins, Ray Parks ng TNT at Christian Standhardinger ng Northport para sa Top 5.

*ALASKA, RAIN OR SHINE UMUWI NA--Dahil sa magandang lagay, kasama na rin si Galliguez sa pag-alis ng Alaska sa PBA bubble kahapon matapos masibak sa quarterfinals.

Tanghali na umalis ang Aces kasunod ang Rain or Shine kahapon ng umaga at Magnolia naman ang lumarga ng hapon.

Show comments