Thirdy Ravena nagparamdam sa kanyang debut sa Japan
MANILA, Philippines — Aminado si former collegiate star Thirdy Ravena na na-pressure siya sa kanyang unang laro para sa San-en NeoPhonix sa Japan B. League.
Pero ngayon ay may kumpiyansa na siya matapos tulungan sa panalo ang San-En NeoPhoenix laban sa Shimane Susanoo Magic, 83-82 noong Sabado ng gabi na ginanap sa Yogano Industrial Gymnasium sa Tottori, Japan.
Nagpakitang-gilas ang dating three-time UAAP champion na si Ravena sa pagkamada ng walong puntos sa fourth quarter upang tulungan ang koponan na sungkitin ang pangalawang panalo pa lamang matapos ang 11 laban.
“I’m very thankful to all the supporters who watched,” pahayag ni 23-year-old Ravena sa kanyang post-game interview. “As you can see, I still have a lot to improve on especially my conditioning I’m really tired, but I’m very happy that the team won,”
May kabuang 13 points at tig-dalawang rebounds at assists si Ravena, sa free throw line galing ang unang puntos nito.
Pasiklab sa unang field goal si Ravena na umiskor ng isang malutong na two-handed dunk.
“That was a great game.” ani Ravena.
Dumating sa Japan si Ravena noong Oktubre 15 pero hindi pa siya nakalaro dahil kailangan niyang mag-qua-rantine ng 14 days bilang bahagi ng safety protocol.
Nagkaroon din ng problema sa passport kaya hindi agad naka-biyahe si Ravena sa Japan.
- Latest