Nakabawi ang Alaska

MANILA, Philippines — Nakabalik sa winning form ang Alaska matapos ipalasap sa Terrafirma ng pang-limang sunod na kamalasan.

Humugot si Vic Ma-nuel ng walo sa kanyang 18 points sa final canto para akayin ang Aces sa 99-96 pagtakas sa Dyip sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ang panalo ang nagtaas sa kartada ng Alaska, nauna nang nagtala ng three-game winning run bago natalo sa San Miguel, 88-92, noong Sabado, sa 4-3 at inilaglag ang Terrafirma sa ilalim sa 0-5 marka nito.

“Kailangang lumaban kami, lalung-lalo na sa rebound. Sa first three games namin talagang talo kami sa rebound eh,” sabi ni Manuel, nagdagdag ng 7 rebounds at 2 assists.

Matapos ang three-point shot ni Eric Canson na nagbigay sa Dyip ng 96-95 abante sa 2:37 minuto ng fourth quarter ay nagsalpak si JVee Casio ng layup at isang free throw si Maverick Ahanmisi para sa 98-96 abante ng Aces sa huling 16.6 segundo.

Ang mintis ni CJ Perez sa posesyon ng Terrafirma ang nagresulta sa dalawang charities ni MJ Ayaay para sa 99-96 bentahe ng Alaska sa nala-labing 8.3 segundo.

Tumapos si Perez na may 25 points para sa Dyip habang may 21 markers si Juami Tiongson.

Samantala, tuloy ang pagsagupa ng Blackwater laban sa Magnolia ngayong alas-4 ng hapon matapos magnegatibo ang player nilang suspected COVID-19 case at ang buong koponan sa RT-PCR at antigen tests noong Linggo.

 

Show comments